Kung iisipin mo nga naman, madami tayong gusto gawin. Ayusin. Pag-aralan. Subukan. Pero, hindi matatapos yun sa GUSTO lang. Yung mga bagay na yun, magiging PANGYAYARI sa buhay natin na masarap balik-balikan. Bagay na gusto natin gawin, gaya ng kumain ng madami, tumawa ng malakas, tumawid sa 'di tamang tawiran, tumakbo ng walang pakealam, makipag-usap, tumalon, maglakbay, at madami pang iba.
Pero hindi mo kasi magagawa yung "kung iisipin mo nga naman", gawing "gusto" at maging "pangyayari" hangga't hindi ka nakakahanap ng kahit maiksing oras para mag-isip o magmuni-muni. Sa bilis ng takbo ng buhay sa ngayon, na gustong gusto na nga natin lagi syang habulin, naiisip pa nga ba natin ang mga bagay ng higit na importante sa buhay natin?
1. Magdasal ng taimtim.
2. Magmahal ng totoo.
3. Magpasalamat ng mula sa puso.
4. Mangarap na gaya ng batang musmos.
5. Matulog ng mahimbing.
6. Magpakabusog sa totoong pagkain.
Hindi ito madaling gawin. Sa totoo lang. Masyado tayong hinahatak ng mga bagay na sa dulo ng araw, hindi naman talaga importante sa atin. Ang malambot na unan at higaan, ginagawa lang namang komportable ang tulog natin. Pero hindi lahat ng komportable ay may mahimbing na tulog, hindi ba?
PAG-ISIPAN MO HA?
^_^